Okay na okay naman daw ang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira Moro sa kabila ng pagtanggal ng kanta niyang “Selos” sa mga online streaming platform.

Matatandaang nagkaroon ng copyright issue ang naturang kanta dahil galing umano ang melody nito sa kanta ng Australian singer-songwriter na si Lenka na “Troube Is A Friend.”

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Maki-Balita: Lenka, ‘nagselos’ kay Shaira?

Kaya naman sa isang Facebook post ng AHS Channel, record label ni Shaira, kaugnay sa isyu.

“On behalf of our artist, Shaira, AHS Productions would like to convey our heartfelt apologies to all those who have enjoyed listening to the song ‘Selos’ as it is now  unavailable in all online streaming platforms,” saad ng naturang record label.

Maki-Balita: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform

Samantala, sinabi naman mismo ng “Selos” singer na okay na okay naman daw siya.

“Sa mga totoong kaibigan at concern po sa akin, Alhamdulillah okay na okay po ako. Basta more Sab'r lang sa mga taong ayaw sayo at gustong kang masira,” ani Shaira sa kaniyang Facebook post.

“Maging Masaya lang po tayo sa mga buhay natin, Ramadhan Mubarak,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong Marso 8 ay naitala ang “Selos” bilang number 1 sa Spotify Viral Songs PH.

MAKI-BALITA: Kilalanin: Shaira, Reyna ng Bangsamoro Pop