Sino kaya susunod na mananalo? Jackpot sa Grand Lotto draw ngayong Miyerkules, ₱151M na!
Inaasahang pipilahan naman ang mga lotto outlet dahil pumalo na sa ₱151 milyon ang jackpot sa 6/55 Grand Lotto draw ngayong Miyerkules ng gabi.
Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nadagdagan ang ₱143.5 milyong jackpot nang hindi mahulaan ang 6-digit winning combination na 13-41-05-50-49-54 nitong Marso 18.
Huling napanalunan ang mahigit ₱698 milyong jackpot sa Grand Lotto draw nitong Enero 17, ayon sa PCSO.
Ang 6/55 Grand Lotto ay binobola kada Lunes, Miyerkules, at Sabado.