Pinuputakti ngayon ang Australian singer-songwriter na si Lenka matapos ang copyright issue sa pagitan niya at ni “Queen of Bangsamoro Pop” Shaira Moro.

Sa kaniyang recent Instagram posts, mababasa roon ang hindi magagandang komento ng ilang fans ni Shaira kay Lenka.

Ipinagtatanggol kasi ng ilang fans si Shaira at sinasabing hindi naman umano nito inangkin ang kantang “Trouble Is A Friend” ni Lenka na katunog umano ng “Selos” nito. Narito ang iba pa nilang reaksiyon:

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

“HINDI NAMAN INANGKIN! Hahaha Sana okay kalang po 😂”

“Tangina mo @lenkamusic flop ka gago!!!!”

“We only know this artist because of Shaira’s parody song 🔥”

“Hello lenka , magsampa ka raw Ng kaso Kay Shakira 😭 wag ka na po magsampa para masaya lahat ..

“Shaira did her a credit on youtube”

May isa ring netizen na tila isinusumbat na kung hindi raw dahil sa kantang “Selos” ni Shaira, hindi umano makikilala si Lenka. 

MAKI-BALITA: Lenka, dapat daw magpasalamat kay ShairaPero ang ilang Pinoy, tila nahihiya sa pagdepensa ng kanilang kababayan sa maling ginawa umano ni Shaira:

“dahil sa mga comment dito, lalo ako nakokombinsi umalis sa pinas eh”

“yung mg nagttanggol kay Shaira, they probably voted for the magnanakaw last elections 🫢 nakakahiya talaga”

“KAKAHIYA MAGING PINOY 😭”

“Nakakahiya mga Pinoy na binabash si Lenka. Ginawa lang nila yung tama.”

“Ang obob nung mga nagtatanggol dun sa nagnakaw ng music😂”

MAKI-BALITA: Kilalanin: Shaira, Reyna ng Bangsamoro Pop

Pero nitong Martes, Marso 19, naglabas ng opisyal na pahayag ang record label ni Shaira dahil umano sa copyright issue ng nasabing kanta.

MAKI-BALITA: ‘Selos’ ni Shaira, tinanggal na sa mga online streaming platform