Naglabas ng joint statement ang GMA 7 at ABS-CBN kaugnay sa pag-ere ng “It’s Showtime” sa Kapuso Network nitong Miyerkules ng hapon, Marso 20.

Sa naturang pahayag, inanunsiyo nila ang detalye kung kailan magsisimulang umere ang noontime show.

“Malugod na inaanunsiyo ng GMA Network at ABS-CBN Corp. ang kanilang makasaysayang kolaborasyon sa pagpapalabas ng noontime variety show na ‘It’s Showtime’ sa GMA mula Lunes hanggang Sabado, 12 ng tanghali hanggang 2:30 ng hapon, simula 6 Abril 2024 (Sabado),” saad nila.

Kaya naman, lubos ang pasasalamat ng ABS-CBN sa GMA Network para sa pagkakataong ibinigay nito sa noontime show.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang nauna nang lumutang ang balita tungkol dito matapos mamaalam ang “Tahanang Pinakamasaya” ng TAPE, Inc.

MAKI-BALITA: Plot twist sa noontime: Willie balik-TV5, It’s Showtime lipat-GMA?

Pero bago pa man ito, umeere na ang “It’s Showtime” sa GTV, sister network ng GMA.