Isang high school teacher mula sa Rizal ang nagbigay ng kaniyang saloobin patungkol sa "ra" ng kabataan ngayon, na aniya ay "lunod" sa karapatan subalit hindi naman alam "languyin" ang realidad ng kanilang responsibilidad.

Ayon kay Teacher Berlin Celoza, Grade 7 at Grade 10 teacher sa Don Jose Ynares Sr. Memorial National High School sa San Carlos Binangonan, Rizal, nagdaan din siya sa buhay-estudyante subalit masasabi niyang ibang-iba na nga ang kabataan ngayon.

"Teacher ako na naging ESTUDYANTE din, yes ibang Era na ito, Era ng kabataang lunod sa KARAPATAN pero hindi alam languyin ang realidad ng RESPONSIBILIDAD!" aniya sa kaniyang viral Facebook post.

Inisa-isa ng guro ang mga karapatang natatamasa ng kabataan ngayon.

Trending

'Employed era is healing the inner child?' Post tungkol sa 'healing the inner child' umani ng reaksiyon

"Era ito na pwede nilang gawin ang gusto nilang gawin, Era ito na bawal silang pagalitan, era ito na ipapasa mo sila kahit hindi marunong magbasa, Era ito na kahit paulit ulit ang maling ginagawa sa paaralan ay kailangan mo silang ipasa, Era ito na kaya nilang sagut sagutin ang mga guro, Era ito na kakampi nila ang kanilang mga magulang laban sa disiplina."

"Noong panahon namin mataas ang respeto namin sa aming mga GURO... Wag nating i-normalize ang salitang 'PANAHON nyo yun!'"

"Hindi kayang baguhin ng panahon ang kahulugan ng salitang RESPETO o PAGGALANG, ang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat."

"Ang mga GURO ay TAO din na may LIMITASYON at KAHINAAN," aniya pa.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Very true sir, Iba na talaga ang Era ngayon.... Malaking part nito ang mabilis na pag usad ng technology(Social Media). Akala ng mga kabataan alam na nila ang lahat na nagiging dahilan ng kawalan nila ng respetošŸ™ ... Very entitled sila ngayon šŸ¤¦ nakakalungkot talaga .... ibang iba sa panahon noon...."

"Tama po sir kaya po ako paulit ulit ko din po sinasabi sa anak ko na kung mapagalitan o mapag sabihan sila ng kanilang teacher tama lang po un ,kasi iba ang may respeto kahit kanino"

"Kung isasabay yung era ngayon sa era namin pag mayayabang babsnatan sa labas di gaya ngayon na guro na titiklop sa mga walang kwentang era ngayon kaya mas nakaka proud maging era na kami ang takot sa guro kesa ngayon. Dahil jan SALAMAT SIR dahil naranasan namin yung saya noon na di alam ng mga bata ngayon proud ako na lumaki sa mga palo ng guro at pagalit nyo dahil hangganh ngayon dala ko yung respeto sa mga guro."

"kami noon pag tumaas na ng konte boses ng teacher takot na kmi talang ngayon dapat teacher na natatakot sa estudyante. Hays.."

Kamakailan lamang, nag-viral ang isang babaeng guro matapos niyang manermon sa kaniyang mga elementary pupils habang naka-live siya.

Naglabas na ng "show cause order" ang Department of Education (DepEd) kaugnay nito.

Habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 60k reactions at 59k shares ang nabanggit na viral Fb post ni Teacher Berlin.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ā€˜di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingĀ FacebookĀ atĀ Twitter!