Isang mananaya ang mag-uuwi ng mahigit ₱23,122,833.80 matapos manalo sa isinagawang 6/45 Mega Lotto draw nitong Miyerkules ng gabi.

Nahulaan ng mananaya ang 6-digit winning combination na 08-07-16-17-11-37, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nasa ₱150,825,036.00 naman ang hindi pa napapanalunan sa 6/55 Grand Lotto draw.

National

DOJ, nais ibalik si Alice Guo sa kustodiya ng PNP

Paglilinaw ng PCSO, nabigong mahulaan ang winning combination na 33-51-42-20-47-46.

Dahil dito, inaasahang tataas pa ang mapapanalunang jackpot sa susunod na draw nito.