Bahagi na yata ng pamumuhay ng mga pasaherong Pilipino ang pagsakay sa jeepney. Kaya nga itinuturing ito ng karamihan bilang "hari ng kalsada."

Kaya naman, viral sa TikTok ang video ng isang babaeng pasaherong hindi kailangang yumuko sa pagpasok at paglabas sa loob ng jeep at nakakatayo pa nang tuwid, dahil kasyang-kasya ang kaniyang taas sa loob nito.

"POV: maliit ka kaya hindi mo kailangang yumuko," mababasa sa text caption ng TikTok video na inupload ni Jelly Rose Navaja mula sa Baguio City.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sa video, makikitang tumayo at naglakad pababa ang nabanggit na babae mula sa loob ng jeepney.

Pero ang nabanggit na jeep pala ay may kakaibang taas din; mataas ang bubong nito, kaya naman hindi na kinailangang yumuko dahil hindi naman sasayad ang ulo niya sa kisame.

Ang naturang babae, na walang iba kundi si Jelly, ay may taas na 4 feet and seven inches.

Sa kanilang lugar sa Benguet ay karaniwan lang daw ang mga jeep na may matataas na bubong.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 6.7M views ang nabanggit na viral TikTok video.