Kakaibang "bomb threat" ang naranasan ng mga pasahero mula sa isang provincial bus matapos nilang magsibabaan, hindi dahil may banta sa kanilang buhay dahil sa pagsabog ng bomba, kundi sa pagsabog ng utot.

Sa viral Facebook post ng isang nagngangalang "Remi Roberto," makikitang natatawang nagsibabaan sa loob ng bus ang mga pasahero dahil hindi natagalan ang pagsabog ng "fart bomb" sa loob ng bus na pabiyaheng Taytay, Rizal.

"Kung sino man nag paputok ng fart bomb sa loob ng bus ganda ng trip mo," aniya sa caption.

"Ang daming naabala, tang-in* may nagpaputok ng fart bomb sa loob ng bus, no choice pinababa lahat ng pasahero," sabi ng uploader sa background habang kinukuhanan ng video ang mga pasaherong nagsibabaan."

Katatawanan

Wish na bumalik si ‘Kuya Rico’ sinupalpal: ‘Sumunod ka na lang!’

"Lakas ng tama kung sino 'yong nagpaputok ng fart bomb."

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 1.2M views, 42k reactions, 27k shares, at 57 comments ang nabanggit na viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!