Posibleng tamaan ang aabot sa ₱143.5 milyong jackpot sa Grand Lotto 6/55 draw ngayong Lunes (Marso 18) ng gabi.

Ito ang ipinahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes at sinabing lumobo ang naturang halaga makaraang hindi napanalunan ang premyong ₱136.6 milyon sa huling bola nitong Marso 16.

Nasa ₱19 milyon namang jackpot ang inaasahang mapapanalunan sa Mega Lotto 6/45 draw ngayong Lunes ng gabi.

Binobola ang Grand Lotto kada Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. 

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Matatandaang nasa ₱698 milyong jackpot ang tinamaan ng isang mananaya nitong Enero 17 makaraang mahulaan ang 6-digit na number combination na 24-50-52-09-51-03 sa draw ng7 Grand Lotto. 

Nitong Agosto 28, 2023, isa namang mananaya na taga-Metro Manila ang nanalo ng ₱101.3 milyon sa Mega Lotto draw.

Nahulaan ng naturang mananaya ang 6-digit winning combination na 09-30-28-45-31-05, ayon pa sa PCSO.