Limang kumpanya ng langis ang magpapatupad ng dagdag at bawas sa presyo ng kanilang produkto sa Martes, Marso 19.

Sa abiso ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil, at Shell, dadagdagan nila ng ₱0.10 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina habang babawasan naman ng ₱0.10 ang presyo ng bawat litro ng diesel.

Paglilinaw ng mga ito, hindi gagalaw ang presyo ng kanilang kerosene.

Inaasahang magpapatupad din ng kahalintulad na hakbang ang iba pang kumpanya ng langis.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Matatandaang nagpatupad din ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis sa bansa.

Idinahilan ng mga ito ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado kamakailan.

PNA