Pumalag si Kapuso singer, actress, at TV host at tinaguriang "Asia's Limitless Star" na si Julie Anne San Jose sa kritisismong natatanggap ng kaniyang boyfriend na si Kapuso actor-TV host Rayver Cruz, matapos ang "kakulitan" nito sa kanilang livestream.

Habang isinusulat ang balitang ito ay trending na sa X si Rayver dahil sa ipinakita niyang kilos at asal habang nagsasalita si Julie Anne.

Kung ano-ano kasing ginagawa at nagpakita ng kakulitan si Rayver habang nagsasalita si Julie Anne sa kanilang livestream, bagay na nahalata na raw ng fans at supporters na maging ang huli ay tila "nairita" na sa inasal ng boyfriend.

Hindi rin nagustuhan ng netizens ang isa sa mga naging paraan ng pagsabot ni Rayver sa isang fan na nagtanong kung paano sila naghahanda during live performances.

Sagot niya, "'Yong paghahanda namin nag ano kami parang sa rehearsal room, naghawak-hawak kami ng mga kamay, and then pumikit kami, and then dinaramdam lang namin ang isa't isa, and then 'Yeah let's do this brad.'"

Hindi rin nakaligtas sa mga netizen ang tila pagbatok daw ni Rayver ni Julie Anne, bagay na ikinakamot na lamang daw ng ulo ng singer-actress.

Dahil dito, inaakusahan si Rayver na parang lasing daw, o mas malala, mukha raw sabog o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

"May pa drug test ba kayo@gmanetwork at @AllOutSundays7 bago mag prod or pumasok ang artists niyo? Mukhang nakalusot e. Ang lala ni rayver cruz, lasing ba siya or naka marijuana? Tamang laughtrip at kita na sabog e 🤮," saad ng isang netizen.

Sa comment section naman ay makikitang pumalag dito si Julie Anne.

"Minsan lang po ako sumagot sa mga ganto but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop 🙏🏻," ani Julie Anne.

Photo courtesy: Screenshot from X

Pero sansala naman ng isang X user, "sobrang alarming ng actions nya! sana magets nyo yung fans bat ganon sinasabi."

Narito ang iba pang reaksiyon at komento ng netizens sa X:

"kasi daw di maka sakay si julie sa pagiging hyper ni rayver, kung makikita mo yung mukha ni julie parang naninibago sya sa kilos ni rayver, para sa akin yung pagiging hyper ni rayver gusto lang nya maka hype din ng manunuod db. siguro wala sa mood si julie hehehe."

"Di na kasi normal ang kilos mo Rayver. Panuurin mo ang sarili mo mukha kang bangag."

"Gets naman si Rayver na Super Hyper na tao nya Ever Since kaya lang yung ibang Tao di sya maintindihan bat ganon sya kumilos"

"Hala siya. Hnd sa pambabash or ano pero napaka uncomfortable ng kilos at pananalita ni Rayver sa live na ito. Lahat ng makakakita at makakapanood nito isa lang talaga iisipin. At halatang halata yun pagkauncomfortable ni Julie Anne. 😅😅😅 Anyare sayo Rayver Cruz?

Samantala, sa kaniyang mahabang X post ay humingi na rin ng dispensa si Rayver sa mga netizen na hindi nagustuhan ang kaniyang mga ikinilos.

Iginiit niyang hindi niya kayang bastusin si Julie Anne dahil mahal niya ang girlfriend maging ang pamilya nito.

"Sa mga na offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I'm with my love. She knows that, she knows me. I don't usually speak up pero ibang usapan na ang accusations. Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right. Hinawakan ko yung bohok nya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa namin videos pag magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don🙏🏼 I respect Julie sobra sobra and sobra ko syang mahal pati ang family nya. Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko. Hinding hindi ako gagawa ng makakasira dun. At sana, matuto na rin tayo rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight! 🫶🏻🤍," aniya.

https://twitter.com/RAYVERCRUZ20/status/1768997317544481159

Sa isa pang X post, sinabi ni Rayver na si Julie Anne lang ang mamahalin niya habambuhay.

"Si@MyJaps lang ang mamahalin ko habang buhay hehe ♥️ let’s go team sun!! 😍☀️," aniya.

https://twitter.com/RAYVERCRUZ20/status/1769002749323071969

MAKI-BALITA: Rayver kinuyog dahil sa ‘kakulitan’ sa livestream kasama si Julie Anne