Mag-aalok ng sariwa at abot-kayang halaga ng produktong pang-agrikultura ang bubuksang Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Makati City sa Lunes, Marso 18.

Ipatutupad ang programa sa lungsod sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).

Ipupuwesto ang KNP outlet sa Makati City Hall Quadrangle mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Kabilang sa iaalok na produkto  ang mga prutas, gulay, frozen meat products at iba pa.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Layunin ng programa na matulungang kumita ang mga magsasaka at mailapit ang produkto sa mamamayan.