6/55 Grand Lotto: ₱136.6M jackpot, wala pa ring nananalo
Hindi pa rin napapanalunan ang mahigit sa ₱136.6 milyong jackpot sa isinagawang draw ng 6/55 Grand Lotto nitong Sabado ng gabi.
Isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nanalong number combination na 26-01-10-35-12-18 na hindi nahulaan.
Aabot sa ₱136,633,416.80 ang premyo nito na inaasahang lolobo pa sa susunod na draw.
Matatandaang nasa ₱698 milyong jackpot ang tinamaan ng isang mananaya nitong Enero 17 makaraang mahulaan ang number combination na 24-50-52-09-51-03.