Inaasahang umabot sa ₱130 milyong jackpot ang mapapanalunan sa 6/55 Grand Lotto ngayong Sabado ng gabi.

Paliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nanalo sa Grand Lotto draw nitong Miyerkules kung saan mahigit sa ₱129 milyon ang nakalaang premyo.

Ang 6/55 Grand Lotto ay binobola kada Lunes, Miyerkules at Sabado.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Matatandaang mahigit ₱698 milyong jackpot ang napanalunan ng isang mananaya nitong Enero 17 matapos mahulaan ang number combination na 24-50-52-09-51-03.

Napanalunan ang nasabing premyo sa pamamagitan ng e-Lotto o electronic lotto, dagdag pa ng PCSO.