Kabado raw ang award-winning actor na si Baron Geisler nang malaman niyang maghaharap sila ni showbiz insider Ogie Diaz.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Ogie nitong Biyernes, Marso 15, si Baron ang kaniyang tampok na guest artist.

“Anong initial reaction mo noong alam mong maghaharap tayo?” usisa ni Ogie.

“Kabado, sa totoo lang. Kasi alam kong hindi ka plastic na tao, e. And you’re there for the truth—which is good! I like it. I’m always for the truth as well,” saad ni Baron.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Di ko alam kung anong mangyayari sa usapan natin ngayon. But I know naman na we’ve been friends for the longest time,” aniya.

Dagdag pa ng aktor: “The thing that I like and I love about you, Mama Ogs, is you speak the truth with love. Kasi kapag may mga ginagawa ako, kino-call out mo ako. Ako naman, ang kagandahan doon, hindi ako naha-hurt.” 

Matatandaang isiniwalat ni Ogie noong Oktubre 2023 sa kaniyang showbiz-oriented vlog na balak umanong tanggalin si Baron sa teleseryeng “Senior High”. 

MAKI-BALITA: Baron Geisler, tatanggalin na sa ‘Senior High’?

Pero ilang araw matapos ito, naglabas si Baron ng pahayag sa kaniyang X account at sinabing peke umano ang balitang ito.

MAKI-BALITA: Baron, nagsalita na sa isyung natatakot sa kaniya ang mga ‘Senior High’ co-star

Sa kabila nito, patuloy pa ring nanindigan si Ogie na wala umanong mali sa sinabi niya at may isyu naman talaga kay Baron.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nanindigan sa sinabi kay Baron: ‘May isyu naman talaga’

Sinabi pa ni Ogie na wala umano siyang balak mag-public apology kay Baron kahit naglabas na ng opisyal na pahayag ang manager nito na si Arnold Vegafria para linawin ang kumakalat na balita tungkol sa behavior issue nito.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, walang balak mag-public apology kay Baron Geisler

MAKI-BALITA: Arnold Vegafria nilinaw ‘behavior issue’ na muling ipinupukol kay Baron Geisler

Pero sabi naman ng showbiz insider, hindi naman daw siya inaway ni Baron. In fact, nagpasalamat pa nga ang aktor sa kaniya. 

MAKI-BALITA: Baron Geisler, di galit kay Ogie Diaz