Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng umaga, Marso 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:52 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 83 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 17 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nangyaring pagyanig.