May banat ang social media personality na si Rendon Labador tungkol sa itinayong resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

“Sa dami ng bundok sa Pilipinas sa Chocolate Hills pa talaga ninyo dinala ‘yung katangahan ninyo,” sey ni Rendon sa kaniyang Facebook post.

Trending

Resort sa Chocolate Hills, sinita ng netizens; DENR, kinalampag

“KATANGAHAN HILLS. #NowOpen. Lahat ng mga tanga, dito kayo mag-swimming,” dagdag pa niya.

Matatandaang usap-usapan ang Captain Peak’s Resort sa Bohol matapos kuyugin ng kritisismo dahil sa pagtatayo ng commercial establishment sa Chocolate Hills, na idineklarang UNESCO World Heritage Site, at kauna-unahang geological park sa Pilipinas.

Dahil dito, kinalampag ng mga netizen ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) maging ang lokal na pamahalaan ng Bohol, kung may permit daw ba ang pagpapatayo nito.

Naglabas na rin ng pahayag ang pamunuan ng naturang resort.

https://balita.net.ph/2024/03/14/pamunuan-ng-resort-sa-chocolate-hills-nagsalita-na/