Pinusuan ng mga netizen ang muling pagbabalik-acting ng dating award-winning actor na si Jiro Manio, tampok sa music video ng awiting "Magbalik" version 2.0 ng bandang Lily.

"'Magbalik' by LILY is a heartfelt ode to the complexities of love, longing, and nostalgia. Set against a backdrop of mesmerizing melodies and soul-stirring vocals, this track invites you to delve into the bittersweet journey of rediscovering lost connections," saad ng banda sa kanilang music video, na naka-upload sa kanilang ">YouTube channel. Ito ay sa direksiyon naman ni Jeff Valencia.

Tila na-miss naman ng mga netizen si Jiro at nakita raw nilang hindi pa rin nawawala ang likas na talento nito sa pag-arte.

"The award winning actor JIRO MANIO is back !!! ❤🎉 Congrats Jiro and Congrats Lily 😊 at ang pambansang Introoooooo ! 🤘🤘🤘😎"

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

"Jiro still has the talent. His eyes speaks many stories. Kuya Coco isali nyo po sya sa Batang Quiapo ❤"

"I immediately clicked because of Jiro. May k factor pa rin talaga siya. Sana we can see more of him."

"Sana naman tumanggap na siya ng movie or TV projects. Hindi pa rin nawawala ang talent niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay muling pinag-usapan si Jiro matapos niyang ibenta kay Boss Toyo ng "Pinoy Pawnstar" ang tropeong napanalunan sa Gawad Urian.

MAKI-BALITA: Dating child star Jiro Manio, ibinenta ang tropeo ng Urian kay Boss Toyo

Dahil dito, nanawagan ang mga netizen kay "FPJ's Batang Quiapo" lead star-director Coco Martin na baka puwede siyang ipasok sa serye para mabigyan pa rin siya ng proyekto.

MAKI-BALITA: Coco Martin kinakalampag ng netizens dahil kay Jiro Manio

Sa guesting naman niya sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Enero 19, sinabi ni Jiro na posible naman siyang bumalik sa pag-arte, pero sa ngayon ay namimili muna siya.

“Pinipili ko po, e. Sa ngayon po…Hindi na po katulad dati noong babad talaga ako sa TV," sagot ni Jiro.

Nang segundahan ni Boy ng tanong kung bakit, "Kasi po pinagbawalan po ako ng mga doktor sa rehab po na baka daw po maging effect ng stress ko, magkasakit daw po ako ulit. Dahil hanggang ngayon, nagte-take ako ng medicine."

Dagdag pa niya: “Saka marami pong binawal sa akin. Bawal mapuyat, bawal masyado magalit. Bawal ‘yong mga substance.”

MAKI-BALITA: Jiro Manio, posibleng bumalik sa pag-aartista