Ang puntirya raw ng mga gustong amyendahan ang Konstitusyon sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ay para raw magkaroon ng term extension, ayon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isinagawang Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila nitong Martes, nagpahayag ang dating pangulo tungkol sa umano’y pinaplanong pag-amyenda sa Konstitusyon.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

Nauna nang sinabi ni Duterte na dalawang tao lang daw ang gustong kalkalin ang Konstitusyon, una raw si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at sunod daw ay si Pangulong Marcos, Jr.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte: ‘Gustong kumalkal sa Konstitusyon, Marcos ulit’

Nabanggit ng dating pangulo sa naturang pagtitipon na kaya raw gustong amyendahan ang Konstitusyon ay para magkaroon ng term extension.

Noon daw aniya ang nakasaad sa Konstitusyon na mayroon lang isang termino ang pangulo—anim na taong uupo sa puwesto at walang reelection na magaganap.

“‘Yung Konstitusyon na inabot under which Marcos [Jr.] was elected gano’n din, 1 term, 6 years […] Ang puntirya talaga nila—term extension,” ani Duterte.

“Ngayon gusto nila Cha-Cha, People’s Initiative. Ang balita ko may pangatlo na ‘yan, Constituent Assembly by Congress. Mukhang inumpisahan na nila kahapon. Mas madali ‘yon, walang objection,” dagdag pa niya.

“So, kung may galawin man sa Konstitusyon, isa lang. Pahabain lang talaga ni Marcos kung ano ang ginawa ng tatay niya, gagawin niya.

“Eh ako, na-elect ako under this Constitution. It says that I serve six years then after that I go out, umalis ako kusang loob.

“Pero itong mga tao talaga, Marcos doon, unang panahon, Marcos dito. Basta panahon ng Marcos put*ngin* pinakikialaman talaga ‘yung Konstitusyon, pinapahaba ‘yung trabaho. ‘Wag kayong pumayag na gano’n. Kababuyan ‘yan," paglalahad pa ni Duterte.

“Sabi ko sa’yo, hindi tayo magkakilala lahat kung unang panahon tayo nagkita rito sa Maynila, magpatayan tayo."