Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng US$4 bilyon o ₱220 bilyong halaga ng investment deals sa tatlong araw na working visit nito sa Germany, ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).

Pinirmahan ang kasunduan sa Philippine-Germany Business forum sa Berlin nitong Martes na itinaon sa ika-70 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Germany.

"I personally bear the great significance of this visit, as I note that this is the first time in 10 years that a Philippine President has visited Germany and addressed the business community here in Berlin,” bahagi ng talumpati ng punong ehekutibo.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Nobyembre

“Last year was a testament to the continuing confidence of Germany in the Philippines as a partner in the Asia-Pacific and the ASEAN region by leading among the countries in terms of investments,” aniya.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa mga German company dahil sa pagsuporta sa Pilipinas sa pagharap nito sa mga epekto ng pagbabago ng klima.