Ikinalungkot ng actress-host na si Anne Curtis ang itinayong resort sa Chocolate Hills sa Bohol.

Sa kaniyang X account, ibinahagi ni Anne ang kaniyang saloobin nang i-repost niya ang isang video ng resort na matatagpuan umano sa Captain’s Peak, Sagbayan, Bohol.

"Is this true kaya? Sad naman if they are allowing this so close to the beautiful natural wonders of our country," saad ng aktres.

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1767826574131511656

Trending

Resort sa Chocolate Hills, sinita ng netizens; DENR, kinalampag

Matatandaang trending sa X ang “Chocolate Hills” dahil sa isang resort na ipinatayo rito, na nakasisira daw sa magandang view ng isa sa mga tourist spot sa Pilipinas.

Makikita sa vlog na “Ren The Adventurer” ang pagtatampok sa nabanggit na resort. Dahil dito, kinalampag ng mga netizen ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) maging ang lokal na pamahalaan ng Bohol, kung may permit daw ba ang pagpapatayo nito, Kuwestyon pa ng mga netizen, bakit daw pinayagan ang pagpapatayo nito sa nabanggit na tourist spot?