Nagdulot ng laugh trip sa TikTok ang post ng isang nagngangalang "Reyna Abegail Aton" (@reynabgl) matapos niyang ibida ang biglaang pagkansela ng mga klase sa umaga, gayong nakasuot na siya ng costume para sa kanilang cosplay event.

Makikitang may face paint na blue na si Reyna sa kaniyang mukha dahil si "Sadness" ng animated movie na "Inside Out" ang kaniyang peg.

Nag-message daw ang kanilang instructor na makakansela ang klase dahil sa sama ng panahon.

Sa hapon daw ay natuloy naman ang klase at ang cosplay event.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Bukod kay Sadness, naalala rin ng mga netizen ang teleseryeng "Agua Bendita" na pinagbidahan nina Xyriel Manabat at Andi Eigenmann noon, sa napanood sa ABS-CBN.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 1.5M views ang nabanggit na video.