Bagama’t pinabulaanan ang isang fake quote card, hindi pa rin daw titigil sa paggawa ng mga kanta ang mag-asawang sina Carlos at Sarina Agassi.

Sa isang Facebook post nitong Martes, pinabulaanan ni Carlos ang isang fake quote card na nagsasabing “inaantay niyo kaming mahiwalay, eh marami pa kaming gagawin na kanta.”

'When kaya?' Hiwalayang Carlos Agassi at Sarina Yamamoto, pinahuhulaan kay Ogie Diaz

“Fake news. ‘Di ko po sinabi ‘yan. Pero totoo na ‘di kami titigil sa paggawa ng kanta ng asawa ko. Bukod sa nag-eenjoy kami, bonding time namin with our husky, border collie, and cats,” aniya.

Matagal na rin daw kasi nilang pangarap na mai-share ang talentong mayroon sila lalo’t pinili nilang maging independent artists.

“Matagal na po namin pangarap na i-share ang talent namin, na kami nag-produce, meaning in our own terms ‘yung gusto namin. In short, independent artist kami ni wifey indie artist, astig,” sey pa ng aktor.

Gayunman, basher man o supporter, na-appreciate raw nila.

“‘Yung mga bashers at supporters we appreciate you all thank you. In life you can’t please everybody and we all know that negative ang trend, meta gusto ng mga tao, ayaw nila sa postivie, at hirap sila pumuri lalo na kapag kapwa nila mas magaling sila eh ni isang hit wala sila, kami heto launching na this Saturday. 36 hit song.”

Samantala, matatandaang umaapela raw ang isang netizen kay showbiz insider Ogie Diaz para hulaan kung kailan maghihiwalay sina Carlos at Sarina.