Niregaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang panganay na anak na si Ilocos Norte First District Sandro Marcos ng librong “Sex for Lazy People” dahil makatutulong daw sa kaniya ito lalo na’t nakapagdiwang na siya ng kaniyang ika-30 kaarawan.
Sa isang vlog kasama ang asawang si First Lady Liza Araneta-Marcos na inilabas nitong Linggo, Marso 10, ipinakita ni Marcos ang cover ng regalo niyang: “Sex for Lazy People: 50 Effortless Positions So You Can Do It Without Overdoing It.”
"I have my own present for you because since you're practically a senior citizen, I found you this guide," natatawang mensahe ni PBBM kay Sandro.
"It's in the mail, read it well. It will help you," dagdag pa niya.
Ang “Sex for Lazy People” ay isinulat ng writer at stand up comic mula sa New York City na si Ginny Hogan. Ito raw ay isang guidebook tungkol sa iba’t ibang sex positions at tips kapag nakikipagtalik.
Samantala, sa naturang vlog ay ibinahagi naman ni Liza ang kaniyang regalo kay Sandro na “Be More Taylor,” isang librong naglalaman ng kaniyang “pieces of advice” sa kanilang panganay na anak na naka-angkla sa buhay at mga linya ni American singer-songwriter Taylor Swift.
Nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Sandro noong Huwebes, Marso 7.