Asahan na ang katiting na bawas-presyo sa produktong petrolyo sa Martes, Marso 12.
Sa abiso ng Cleanfuel, Caltex, Jetti, Petro Gazz, Seaoil at Shell, ipatutupad nila ang bawas na ₱0.50 sa presyo ng kada litro ng gasolina at ₱0.25 ang itatapyas sa presyo ng bawat litro ng kerosene.
Nasa ₱0.30 naman ang ibabawas ng Caltex, Seaoil at Shell sa presyo ng bawat litro ng kerosene.
Inaasahang magpatupad din ng kahalintulad na hakbang ang iba pang kumpanya ng langis.
Halos ₱5.95 na ang kabuuang itinaas sa presyo ng gasolina ngayong taon, ₱4.05 sa diesel at ₱0.05 naman sa kerosene, ayon naman sa pahayag ng Department of Energy (DOE).