Niregaluhan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kaniyang anak na si Ilocos Norte First District Sandro Marcos ng librong “Be More Taylor” sa ika-30 kaarawan nito.

Sa vlog ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na inilabas nitong Linggo, Marso 10, ipinakita ni Liza ang isang librong naglalaman ng kaniyang “pieces of advice” sa kanilang panganay na anak na naka-angkla sa buhay at mga linya ni American singer-songwriter Taylor Swift.

“This is my gift to you by Taylor Swift: ‘Be More Taylor’,” ani Liza habang ipinapakita ang cover ng libro.

Binanggit din ng unang ginang ang unang lesson sa libro na “Step back from socials” na alam naman daw niyang hindi susundin ni Sandro.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Pagdating sa family values, sinabi ni Liza na huwag daw sanang kalimutan ni Sandro ang kaniyang “morals” at “core values” ng kanilang pamilya.

“I’ll go with Taylor Swift who says ‘Say sorry all the time.’ Mother knows best, say sorry," aniya.

Bukod dito, pinayuhan din ng unang ginang si Sandro na huwag mangamba kapag nakagawa ng pagkakamali.

"When you make mistakes, don't worry about it. Because Taylor Swift said, ‘forgive your mistakes," ani Liza.

"Keep trying,” dagdag niya.

Pagdating naman sa pagpili ng life partner, pinayuhan ni Liza si Sandro na huwag iwasan ang kahit anong nararamdaman nito.

"Feel it all. The pain, the love, by Taylor Swift," ani Liza.

Nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Sandro noong Huwebes, Marso 7.