Tinatayang aabot sa ₱121.5 milyon ang jackpot ng Grand Lotto 6/55 nitong Lunes, Marso 11.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang nasabing premyo ay posibleng tamaan sa Grand Lotto draw dakong 9:00 ng gabi.

Walang tumama sa nakaraang draw nitong Marso 9 kung saan umabot sa ₱114.8 milyon ang jackpot nito.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Ipinaliwanag ng PCSO, kung hindi pa rin tatamaan ngayong Lunes ng gabi, inaasahang lolobo na naman ang jackpot nito sa susunod na draw.

Matatandaang mahigit sa ₱698 milyong jackpot ang napanalunan ng isang mananaya sa draw ng 6/55 Grand Lotto nitong Enero 17 kung saan nahulaan nito ang winning combination na 24-50-52-09-51-03.

May dagdag na ulat ni Sonny Daanoy