Nag-uumapaw ang kaligayahan ng OPM band na Ben&Ben matapos nilang maging special guest sa concert ni British singer-songwriter Ed Sheeran sa Pilipinas.

Sa Facebook post ng Ben&Ben nitong Linggo, Marso 10, inilista nila ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa naturang concert.

Kauna-unahan syempre sa listahan ang pakikipagkita nila kay Ed Sheeran. Sumunod ang pakikipag-Karaoke nila kasama ito. 

Gayundin, ang pagtatanghal nila sa iconic round stage at ang pagkanta ng kanilang frontman ng “Maybe the Knight” kasama si Ed.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

“Grabe, we still can’t believe it. Para kaming nasa panaginip. 🥺 We’re so grateful. We’re extremely happy. Sobrang kinikilig pa rin kami hanggang ngayon,” saad ng Ben&Ben.

“After our set, sinalubong niya kami backstage at kinamayan niya kaming lahat. Nakipag kwentuhan pa muna siya ng konti samin, na parang kaibigan lang namin,” anila.

Sa huli, pinasalamatan ng naturang banda ang lahat ng mga nakikinig at sumusuporta sa kanilang musika lalo na ang Liwanag, ang fandom ng Ben&Ben.

Matatandaang nauna nang ihayag ng banda kung gaano ka-surreal para sa kanila ang maging special guest sa concert ni Ed.

MAKI-BALITA: Ben&Ben, special guest sa concert ni Ed Sheeran: ‘Never in our wildest dreams!’