Mahigit na sa ₱362 milyong kabuuang jackpot sa lotto ang napanalunan nitong nakaraang Pebrero.

Ito ang pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo at sinabing nasa 11 mananaya ang idineklarang nanalo ng jackpot sa loob ng isang buwan.

Kabilang sa nanalo ang isang taga-Pasig City na mahulaan ang winning combination na 04-07-57-05-54-47 sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Pebrero 29 kung saan nasa ₱175,160,965.20 ang premyo nito.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Isa ring taga-San Juan ang tumama ng ₱15,019,736.80 sa isinagawang bola ng Lotto 6/42 matapos makuha ang 6 digits na winning combination na 05-21-03-33-30-41 sa draw ng Lotto 6/42 sa nabanggit ding petsa.

Ang iba pang mananaya na mula sa iba't ibang lugar sa Luzon at Visayas ay tumama nitong Pebrero 26, 20, 25, 13, 8, 6, at 1, ayon pa sa PCSO.