Isa umanong taga-Metro Manila ang mag-uuwi ng ₱14.6 milyong jackpot matapos manalo sa Lotto 6/42 draw nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nahulaan ng naturang mananaya ang winning combination na 17-21-12-24-30-02 na may katumbas na jackpot na ₱14,652,151.40.

Nabili ang nasabing ticket sa Diliman, Quezon City, ayon sa PCSO.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Nasa 20 porsyento ng premyo ang tatanggalan ng buwis alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Binobola ang Lotto 6/42 kada Martes, Huwebes at Sabado.