Halos ₱115 milyon ang mapapanalunan sa Grand Lotto 6/55 draw ngayong Sabado ng gabi.

Ikinatwiran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi tinamaan ang huling draw nitong Marso 6 kung saan umabot sa ₱107 milyon ang jackpot nito.

Ipinaliwanag ng PCSO, hindi tinamaan ang winning combination nito na 24-22-20-05-25-28.

Ang Grand Lotto ay binobola kada Lunes, Miyerkules at Sabado.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Matatandaang mahigit sa ₱698 milyong jackpot ang napanalunan ng isang mananaya nitong Enero 17.

Nahulaan nito ang winning number combination na 24-50-52-09-51-03.

May dagdag na ulat ni Sonny Daanoy