Kinumpirma ni Senador Cynthia Villar na pumirma siya sa kasulatan na naglalayong harangin ang contempt order laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy na kaibigan daw niya at mabait sa kanilang pamilya.

Sa isang panayam ng mga mamamahayag nitong Huwebes, Marso 7, sinabi ni Villar na pumirma na siya ng “written objection” kaugnay ng contempt order laban kay Quiboloy nitong Miyerkules, Marso 6.

"Pumirma na ako kahapon… Kaibigan ko si Pastor Quiboloy. Mabait siya sa aming pamilya,” ani Villar sa isang panayam.

Ayon pa sa senadora, hindi siya gaanong naniniwala sa mga kasong ibinabato sa pastor dahil matagal na raw niya itong kilala.

National

Casiño sa pahayag ni PBBM hinggil sa impeachment vs VP Sara: ‘He only deepens culture of impunity!’

“Nagtataka ako dyan sa case na 'yan. Medyo 'di ako naniniwala diyan sa case na 'yan. Matagal ko na siyang kilala. Parang hindi naman siya ‘yung mukhang gagawa ng ganoon,” saad ni Villar.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado kaugnay ng mga alegasyong kinahaharap ni Quiboloy at ng KOJC noong Martes, Marso 5, inihayag ni Senador Risa Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children Family Relations and Gender Equality, ang ruling na i-contempt si Quiboloy.

Pinaaaresto na rin ng senadora ang pastor matapos nitong muling hindi dumalo sa pagdinig ng Senado.

MAKI-BALITA: Hontiveros, pinaaaresto si Quiboloy

Samantala, sa naturang pagdinig ay harapang ipinahayag ni Padilla ang kaniyang pagtutol sa ruling ni Hontiveros laban kay Quiboloy.

Dahil dito, walong pirma raw mula sa mga miyembro ng komite ang kinakailangan para mapawalang bisa ang pag-contempt sa pastor.

MAKI-BALITA: Robin harapang kinontra si Hontiveros, pinagtanggol si Quiboloy

Sa isa namang press conference nitong Miyerkules, Marso 6, sinabi rin ni Senador Imee Marcos na pipirma siya sa naturang kasulatan para kay Quiboloy.

MAKI-BALITA: Imee kumampi kay Robin, haharangin din pag-contempt kay Quiboloy

Nahaharap si Quiboloy sa mga alegasyon tulad ng “child abuse” at “qualified trafficking,” kung saan sinabi kamakailan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na sasampahan ng prosecutors sa Pasig City at Davao City si Quiboloy kaugnay ng naturang mga kaso.

MAKI-BALITA: Quiboloy, kakasuhan ng ‘child abuse,’ ‘qualified trafficking’ – Remulla