Hinangaan ng mga netizen at nagdulot ng inspirasyon sa kabataan ang isang senior citizen mula sa Batangas na umano'y nagpatuloy sa kaniyang pag-aaral, at may hawak na paskil na humaplos sa puso ng mga netizen.

Ayon sa Facebook post ng isang nagngangalang "Daisy Villas," malapit nang magtapos sa pag-aaral ang senior citizen na si "Fely Adarlo," na nasa Senior High School ng San Pascual Senior High School 1 sa San Antonio, San Pascual, Batangas.

"Age is not a hindrance to reach goals" mother Fely Adarlo congrats po✨ happy graduation in advance 💖," mababasa sa caption.

Human-Interest

Paglalayag ng school-in-a-boat ng Project Kalinga, layong ipanumbalik GMRC ng mga bata

May hawak na plakard si Fely na may nakasulat na "Age is not a hindrance to reach goals."

Sa comment section, mababasa ang komento ni Fely kay Daisy na tinawag niyang "Ma'am" na kaniya palang guro.

"Alahhhh Kakahiya po sa inyo. Thank you po Ma'am Daisy Varela Villas," ani Fely.

Bumaha naman ng pagbati ang mga netizen para kay Fely na nagsisilbing inspirasyon daw sa lahat, dahil sa kabila ng edad nito ay patuloy pa rin siyang nagsusumikap na tapusin ang kaniyang pag-aaral.

Batay sa kaniyang Facebook profile, si Fely ay may limang anak at sampung apo na.

Pagbati, Nanay Fely!

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!