Nagdiwang ng kaniyang 117th birthday ang pinakamatandaang tao sa buong mundo nitong Lunes, Marso 4, ayon sa Guinness World Records (GWR).

“Happy birthday to Maria Branyas Morera who celebrates her 117th birthday today ,” anang GWR sa isang Facebook post nitong Lunes.

Ayon sa GWR, ipinanganak si Maria noong Marso 4, 1907 sa San Francisco, USA.

Noong 8-anyos pa lamang siya, nagpunta sila ng kaniyang pamilya sa Spain at sa Catalonia na nanirahan.

Mga Pagdiriwang

Kinumpara sa Songkran ng Thailand: Mga pasaway sa Wattah Wattah, utak-squammy raw

“She’s lived in the region ever since and has resided in the same nursing home for the past 23 years,” saad ng GWR.

Samantala, na-verify daw na si Maria ang “world’s oldest person” noong Enero 2023.

Happy birthday, Maria!