Dahil sa biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose, tila may napagtanto sa buhay si Lolit Solis. Aniya, kahit anong pag-iingat pa ang gawin ng isang tao kapag oras na nito, wala na raw magagawa.

Sa isang latest Instagram post nitong Martes, ibinahagi niya ang larawan nina Jaclyn at apo nitong si Ellie.

"Salve siguro nga dapat lahat maingat lalo pa 'pag medyo may edad ka na. Iyon bang gaya ng nangyari kay [Jaclyn] Jose na nadulas at inatake sa puso. Imagine mo na dahil wala siyang kasama sa bahay kaya wala tuloy nakatulong ng mangyari ang sakuna," ani Lolit.

Dagdag pa niya, "Pero siguro nga kahit ano pang pag-iingat ang gawin mo ‘pag talagang oras mo na, wala ka nang magagawa. Anumang bagay basta gusto nang kunin sa iyo, wala ka nang magagawa."

Jake Ejercito, ginabayan ni Jaclyn Jose kung paano maging ama

Sinabi rin ng showbiz columnist na hiram lang ang buhay ng tao. Kaya't magpasalamat daw hiram na buhay at kung anuman daw ay mangyari dapat handa raw spiritually.

"Ang buhay natin hiram lang sa langit. Kaya wala tayong magagawa kung gusto nang kunin ni Lord. Pasalamat tayo sa hiram nating buhay. Anumang mangyari dapat handa tayo lalo na spiritually. Acceptance sa anumang bagay ang importante sa buhay.

"Tanggapin natin ang anuman ibibigay sa atin ng langit. Kaya Salve at Gorgy, anuman mangyari tanggapin natin. Dahil kung anuman bigay ng tadhana, iyon na ang talagang para sa atin. Bongga," sey pa ni Lolit.

Matatandaang nagulantang ang showbiz industry at ang publiko sa pumutok na balita kaugnay sa biglang pagpanaw ng batikang aktres.

Nagsimulang lumabas ang ulat tungkol dito noong Linggo ng gabi, Marso 3, na kinumpirma naman ng kaniyang management na PPL Entertainment, Inc.

MAKI-BALITA: Jaclyn Jose, pumanaw na

MAKI-BALITA: PPL Entertainment, kinumpirma ang pagpanaw ni Jaclyn Jose

Kinabukasan, Marso 4, emosyunal na humarap sa publiko ang anak ni Jaclyn na si Andi Eigenmann para isiwalat ang dahilan ng pagyao ng kaniyang ina.

MAKI-BALITA: Andi Eigenmann, isiniwalat ang cause of death ng ina

https://balita.net.ph/2024/03/05/jaclyn-jose-itinuring-pa-ring-anak-si-jake-ejercito-mahal-kita-alam-mo-yan/