Sugod na sa pinakamalapit na lotto outlet dahil tatlong naglalakihang jackpot prizes ang naghihintay na mapanalunan ngayong Martes ng gabi, Marso 5!
Sa jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), papalo sa ₱7.5 milyon ang premyo ng Lotto 6/42 habang ₱34 milyon naman ang Super Lotto 6/49, at halos ₱50 milyon naman ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.
Ano pang hinihintay mo? Takbo na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paborito mong numero. Sa halagang ₱20 lang ay pwede ka nang maging milyonaryo!