Inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang nasagap niyang balita tungkol sa ugat ng hiwalayan ng rumored couple na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Marso 3, sinabi ni Ogie na tila wala raw plano si Paulo para sa relasyon nito kay Janine.

“Tinanong ko [sa source]: ‘Anong dahilan bakit nag-split ‘yong dalawa [Paulo at Janine]?’ Ang sabi sa akin, e, si Janine daw ay nakausap si Paulo. Parang ang pahiwatig ng mga salita ay ‘ano nang plano natin?’” lahad ni Ogie.

Sey tuloy ng co-host niyang si Mama Loi: “Naku, e, ‘di ba, Nay, minsan sa ibang lalaki ‘yan ‘yong pinaka-dreaded nila na question. ‘Pag tinanong na sila ng babae kung na: ‘Ano na bang plano mo sa akin?’”

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Maiintindihan naman natin ‘yong mga ganyang sitwasyon lalo na kung may kaniya-kaniya silang career,” sabi naman ni Ogie.

In fact, may plano naman daw talaga si Paulo para kay Janine. Pero magkakaroon lang daw ng katuparan ang mga plano nilang pagpapakasal at pagpapamilya kapag naka-graduate na ng kolehiyo ang anak nitong si Aki na magkakatorse anyos pa lang.

Nagbigay naman ng pasubali si Ogie sa unang bahagi pa lang ng vlog na wala pang kumpirmasyon ang tungkol sa iniulat niyang dahilan ng hiwalayan nina Paulo at Janine. 

Nagsimula raw itanong ni Janine ang tungkol sa pagpapalano ng kasal at pamilya kay Paulo nang muli silang magkabalikan ng aktor. 

Matatandaan kasing nakitaan ng chemistry sina Paulo at ang aktres na si Kim Chiu simula noong gumanap sila sa Prime video na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng isa pang proyekto sa ilalim naman ng Viu at ABS-CBN na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?

Dahil dito, umugong tuloy ang bali-balitang hiwalay na raw sina Janine at Paulo kahit wala pa namang opisyal na pahayag ang dalawa tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: Janine, Paulo, split na?

Pero inamin ni Janine sa isang panayam na may espesyal na ugnayan daw na namamagitan sa kanila ni Paulo.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming ‘espesyal’ ang namamagitang ugnayan nila ni Paulo Avelino

Sa katunayan, nanligaw pa umano sa kaniya ang aktor.

MAKI-BALITA: Janine Gutierrez, inaming niligawan ni Paulo Avelino noon; ano ang score ng relasyon nila ngayon?

Isang buwan matapos maiulat ang tungkol sa kanilang hiwalayan, kasunod namang lumutang ang balitang nagkabalikan umano ang dalawa.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez nagkabalikan na?

Ngunit sa isang episode ng Showbiz Update noong Pebrero, napag-usapan sa vlog ni Ogie na hiwalay na ulit sina Paulo at Janine.

MAKI-BALITA: Paulo Avelino, Janine Gutierrez hiwalay na naman ulit?