Nasa ₱100 milyon ang mapapanalunan sa nakatakdang draw ng Grand Lotto 6/55 ngayong Lunes ng gabi.

Idinahilan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nanalo sa nakaraang draw nitong Marso 2 kung saan nasa ₱94.3 milyon ang jackpot nito.

Sa pahayag ng PCSO, huling napanalunan ang jackpot ng Grand Lotto nitong Enero 17.

Mahigit sa ₱698.8 milyon ang tinamaan ng isang mananaya matapos mahulaan ang winning combination na 24-50-52-09-51-03.

National

Ilocos Sur, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Idinagdag pa ng ahensya, kung hindi tatamaan ang ₱100 milyong jackpot ay inaasahang madadagdagan pa ito sa susunod na draw.