
(Malacañang Photo)
ASEAN-Australia Summit, dadaluhan: Marcos bumiyahe na ulit pa-Australia
Bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. patungong Australia upang dumalo sa ASEAN-Australia Special Summit sa Marso 4-6.
Si Marcos ay sakay ng Philippine Airlines flight PR001 patungong Melbourne, kasama ang kanyang delegasyon nitong Linggo ng umaga, ayon sa Presidential Communications Office.
Isa sa layunin ng pagdalo ni Marcos sa naturang pagpupulong na pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng ASEAN at Australia sa mga mahahalagang usapin, katulad ng pagpapatupad ng international law sa West Philippine Sea.
Sa kanyang departure statement, ibinahagi ni Marcos ang magiging bilateral meeting, kasama ang Cambodia at New Zealand.
Makikipagpulong din ang Pangulo sa mga business leader sa Australia at magtatalumpati rin sa Lowy Institute.
Bukod dito, nakatakda ring makipagkita ang Pangulo sa Filipino community sa Australia.