Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng hapon, Marso 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:47 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 76 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 20 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nangyaring mga pagyanig.