Napabalita nitong Pebrero ang magkasunod na nanalo ng milyon-milyong jackpot prizes sa Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Narito ang listahan ng mga nanalo sa naturang lotto game.
Pebrero 1, 2024
Napanalunan ng taga-Sariaya, Quezon province ang ₱5,940,000 jackpot prize nang matamaan niya ang winning numbers na 03-31-14-19-35-13. Siya ang unang nanalo noong Pebrero.
MAKI-BALITA: Unang nanalo sa lotto ngayong Pebrero, taga-Quezon!
Pebrero 6, 2024
Nasungkit naman ng taga-Negros Occidental ang jackpot prize na ₱7,341,411.40 nang matumbukan niya ang winning numbers na 27-23-31-20-14-28.
Maki-Balita: Ikalawang lotto winner ngayong Pebrero, taga-Negros Occidental
Pebrero 8, 2024
Hindi isa, kundi dalawa naman ang naghati sa ₱5,940,000 jackpot prize nang mahulaan nila ang winning combination na 27-02-20-22-23-10.
Maki-Balita: ‘Sunod-sunod!’ 2 lotto bettor maghahati sa jackpot prize ng Lotto 6/42
Pebrero 13, 2024
Makalipas lamang ng limang araw, napanalunan ulit ang Lotto 6/42. Nahulaan ng lone bettor mula sa Quirino Highway, Novaliches sa Quezon City ang winning numbers na 19-31-11-23-13-17 na may kaakibat na ₱7,083,788.60 jackpot prize.
Maki-Balita: Lotto 6/42 ulit? Taga-Quezon City, panalo ng higit ₱7M!
Pebrero 20, 2024
Taga-Abuyog, Leyte naman ang nanalo ng ₱10,990,641.60 nang mahulaan ang winning combination na 22-17-01-29-11-16.
Maki-Balita: Lotto 6/42 ulit! Halos ₱11M jackpot, napanalunan ng taga-Leyte
Pebrero 29, 2024
At nitong Leap Day, napanalunan ang ₱15,019,736.80 matapos matumbok ang winning numbers na 05-21-03-33-30-41.
Maki-Balita: Higit ₱15M lotto jackpot, tinamaan na!
Sa kabuuan, may pitong milyonaryo ang nanalo sa Lotto 6/42 nitong buwan ng Pebrero.
Ang naturang lotto game ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.