Ipinahayag ni Senador Imee Marcos na “lungkot na lungkot” siya sa mga nangyayari kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy dahil mabait daw ito at “tumutulong sa napakarami.”

Sa isang panayam na inulat ng News5 nitong Huwebes, Pebrero 29, tinanong si Sen. Imee kung sang-ayon ba siya sa sinabi ng kapatid at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na harapin dapat ni Quiboloy ang pagdinig sa Senado at Kamara para sagutin ang mga katanungan tungkol sa mga alegasyong ibinabato sa kaniya.

MAKI-BALITA: PBBM, inabisuhan Quiboloy na dumalo ng hearing: ‘Sagutin niya lahat ng tanong, edi tapos na’

Sagot naman ng senador, talagang may “fundamental power” daw ang Senado at Kamara na mag-isyu ng subpoena.

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Gayunpaman, aniya, dapat daw na bigyan si Quiboloy ng “substansive at procedural due process” at karapatan laban sa “self-incrimination.”

"Ang ibig kong sabihin, lungkot na lungkot ako sa mga pangyayari tungkol sa SMNI at kay Pastor Quiboloy. Mabait siya sa atin at, higit sa lahat, talagang tumutulong sa napakarami,” ani Imee.

“Kaya’t malungkot ako na nauwi sa ganito at sana naisaayos na lamang ito nang mas mapayapa at mas tahimik na pamamaraan,” dagdag pa niya.

Matatandaang naglabas kamakailan ng subpoena ang Senado at Kamara laban sa pastor kaugnay ng mga umano’y pang-aabuso ng KOJC, at ng mga nilabag daw ng SMNI.

MAKI-BALITA: Subpoena vs Quiboloy, nailabas na – Hontiveros

Naiuugnay ang KOJC sa mga kasong human trafficking, rape, sexual abuse, at child abuse.

Kamakailan lamang, isang Pilipino at dalawang Ukrainians na umano’y kasama sa mga biktima ang humarap sa pagdinig sa Senado upang ilahad kung paano umano sila pinagsamantalahan ni Quiboloy.

Hindi naman sumipot ang pastor sa naturang isinagawang pagdinig ng Senado, dahilan kaya’t inisyuhan siya ng subpoena.

MAKI-BALITA: Matapos ‘di sumipot sa Senate probe: Quiboloy, inisyuhan ng subpoena