Higit ₱15M 'to! Nanalong lotto ticket, binili sa San Juan City, sabi ng PCSO
Isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes na binili sa San Juan City ang ticket ng lotto nanalo ng mahigit ₱15 milyong jackpot nitong Huwebes, Pebrero 29.
Inihayag ng PCSO, ang winning ticket ay binili sa isang outlet sa Barangay West Crame.
Nahulaan ng naturang mananaya ang 6-digit na winning combination na 05-21-03-33-30-41.
Panawagan ng PCSO sa bagong lotto winner na i-claim ang premyo sa central office nito sa Mandaluyong City at magdala lamang ng dalawang valid identification (ID) cards, pati na rin ang nanalong ticket.
Sonny Daanoy