Tinatayang aabot ng ₱174.5 milyon ang jackpot sa nakatakdang Ultra Lotto 6/58 draw ngayong Biyernes ng gabi.

Ipinaliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nanalo sa nakaraang draw nitong Pebrero 27 kung saan nasa ₱166.5 milyon ang jackpot nito sa 6-digit number combination na 09-14-37-22-13-20.

Matatandaang nasa ₱571 milyong jackpot ang naiuwi ng isang taga-Albay makaraang mahulaan ang winning combination na 19-35-25-42-58-05.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO