Ipinahayag ni Australian senator Janet Rice ang kaniyang pagtutol sa pag-imbita ng Australian Parliament kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang X post nitong Huwebes, Pebrero 29, giniit ni Rice na lumala umano ang korapsyon sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Marcos.

“Under President Marcos Jr, corruption in the Philippines is getting worse. There are hundreds of political prisoners, and ‘anti-terrorism’ laws are used as legal cover for extrajudicial killings,” ani Rice.

“Yet the Australian Government invited him to address the Parliament today. Shame,” dagdag pa niya.

National

Senador sa Australia ‘nagprotesta’ habang nagtatalumpati si PBBM: 'Stop the human rights abuses'

Samantala, habang nagsasalita si Marcos sa Australian Parliament nitong Huwebes ng umaga, itinaas ni Rice ang isang banner na nagsasabing "Stop the human rights abuses.”

Dumating si Marcos sa Canberra, Australia nitong Miyerkules, Pebrero 28, para sa dalawang araw na state visit bilang tugon na rin sa imbitasyon ni Governor-General David Hurley.

Nakatakda ring bumalik ng bansa ang pangulo nitong Huwebes.

https://balita.net.ph/2024/02/28/marcos-bumiyahe-na-pa-australia/