Nilinaw din ng opisyal, nag-usap na ang DOJ at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa paraan ng pag-aresto Teves sa ibang bansa.
Ipapadala aniya nila ang NBI sa Timor Leste upang arestuhin si Teves kaugnay ng kasong pagpatay kay dating Negros Oriental governor Roel Degamo sa Pamplona, Negros Oriental noong Marso 4, 2023, batay na rin sa arrest warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court noong Setyembre 2023 kaugnay sa naturang kaso.
Matatandaang iniutos na rin ng hukuman sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin na ang pasaporte ni Teves upang hindi na makapunta sa iba't ibang bansa upang magtago.