Umapela na si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. sa mga local government unit sa Mindoro na isailalim na sa state of calamity ang kani-kanilang lugar kung kinakailangan dahil na rin sa epekto ng El Niño phenomenon.

Layunin aniya nitong makapaghatid ng komprehensibong tulong ang ahensya sa mga apektadong komunidad.

Sinabi ng kalihim, pinakilos na nila nitong Pebrero 26 ang rapid response team ng DA upang maghatid ng agarang ayuda sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Aalamin din aniya ng response team ang lawak ng naging pinsala ng tagtuyot sa lalawigan.

Kaugnay nito, inatasan na rin ng opisyal ang National Food Authority (NFA) na tiyaking sapat ang ipamamahaging bigas sa mga apektadong pamilya.

Nauna nang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ang epekto ng El Niño hanggang Mayo.