Iniutos na ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa ulat na nagbebenta ng libu-libong tonelada ng bigas ang National Food Authority (NFA) sa ilang traders kahit paluging presyo.

Sinabi ng opisyal, bumuo na sila ng panel of investigators upang siyasatin ang ilang opisyal ng NFA na sangkot sa bentahan ng bigas.

Aniya, iniutos ng mga opisyal ng NFA na ibenta ang mga bigas na nakaimbak sa mga bodega ng NFA.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Ibinebenta aniya ng ₱25 kada kilo ang NFA rice sa kabila ng kawalan ng bidding.

Binili aniya ng NFA ang bigas ng ₱23 bawat kilo.