Matibay pa rin ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na ipagtanggol ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam kay Marcos bago bumiyahe patungong Australia nitong Miyerkules, nagpahayag ito ng pagkabahala dahil sa pagiging aktibo ng Chinese nautical assets sa WPS, kabilang na ang pagpapadala ng China ng mga barko ng Navy upang suportahan ang China Coast Guard sa lugar.

'Nagbabago ang sitwasyon, but – well, maliwanag naman para sa atin, we don’t really--- we just watch, of course, what everybody is doing, but really for us, patuloy pa rin natin, we just defend our maritime territory,” pahayag ng Pangulo kaugnay ng umano'y electronic jamming activities ng China laban sa mga sasakyang pandagat ng mga Pinoy sa WPS.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

“We continue to support all of our fishermen, fisherfolks who make their living from these fishing grounds at patuloy naman nating tutulungan sila. At despite whatever else happens, bina-block tayo, kung ano, may shadow, eh patuloy pa rin ang ating gagawin dahil ‘yan naman ang trabaho natin, trabaho natin tulungan natin ‘yung mga fishers na matagal na, ilang henerasyon na doon nangingisda,” ani Marcos.

Ang pahayag ay inilabas ni Marcos kasunod ng pahayag ni Philippine Navy spokesperson for WPS, Commodore Roy Vincent Trinidad

nitong Martes na tumindi pa ang nararanasang cyber interference at signal jamming ng mga barko ng pamahalaan na nagbabantay sa lugar, gayundin sa land-based communication equipment.

“So, that’s essentially the issue there. So, that’s the basic principle there, is that the fishers must be allowed to fish in their traditional fishing grounds, which belong in the maritime territory of the Philippines,” pahabol pa ng Pangulo.