
(Manila Bulletin File Photo)
Higit ₱166.5M Ultra Lotto jackpot, 'di pa rin napapanalunan
Hindi pa rin napapanalunan ang mahigit sa ₱166.5 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Martes.
Katwiran ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa 6 digits na winning combination na 09-14-37-22-13-20.
Dahil dito, sinabi ng ahensya na lolobo na naman ang premyo sa susunod na draw nito.
Matatandaang napanalunan ng isang taga-Albay ang mahigit sa ₱571 milyon sa isinagawang draw ng Ultra Lotto nitong Enero 2.
Binobola ang Ultra Lotto kada Martes, Biyernes at Linggo.